Monday, February 07, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 8, Martes ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 7:1-13


Mabuting Balita: Marcos 7:1-13
1 Nagkatipon sa paligid ni Jesus ang mga Pariseo at ilan sa mga guro ng Batas na galing sa Jeru­salem. 2 Napansin nila na kumakain ang ilan sa mga alagad niya nang may maruming ka­may, na hindi naghu­hugas ayon sa sere­monya. 3 Sinusunod nga ng mga Pariseo pati na ng mga Judio ang tra­disyon ng kanilang mga ninuno at hindi sila kumakain nang hindi muna nag­huhugas ng mga kamay. 4 At hindi rin sila kuma­kain ng anumang galing sa palengke nang di muna ito nililinis, at marami pa’ng dapat nilang tuparin, ha­lim­bawa’y ang pag­li­li­nis ng mga inu­man, mga kopa at ping­gang tanso.  

5 Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Bakit hindi isi­nasabuhay ng iyong mga alagad ang tra­disyon ng mga ninuno? Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago ku­main.”

6 At sinabi sa kanila ni Jesus: “Tama ang propesiya ni Isaias tungkol sa in­yong mga mapagkunwari. Nasusulat na “Pinararanga­lan ako ng mga ito sa kanilang labi, at ma­layo naman sa akin ang ka­nilang mga puso. 7 Walang silbi ang kani­lang pag­samba sa akin at ka­utusan lamang ng tao ang kanilang itinuturo.”  

8 Pinabayaan nga ninyo ang utos ng Diyos para itatag ang tradisyon ng mga tao.” 9 At sinabi ni Jesus: “Mahusay na pina­walang-bisa ninyo ang salita ng Diyos para tuparin ang inyong tradis­yon. 10 Si­nabi nga ni Moises: ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’, at ‘patayin ang sinu­mang sumumpa sa kanyang ama o ina.’ 11 Ngunit ayon sa inyo, masasabi ninuman sa kanyang ama o ina, “Inilaan ko na para sa Templo ang maaasahan ninyo sa akin.” 

12 At hindi na ninyo siya pinapayagang tumulong sa kanyang ama o ina. 13 Kaya pina­walang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa tulong ng sarili ninyong tradisyon. At marami pa ang mga ginagawa ninyong ganito.” 

No comments: