43 Kung ang kamay mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pingkaw sa buhay kaysa matapon sa walang hanggang apoy ng impiyerno na may dalawang kamay. 45 At kung ang paa mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pilay sa buhay kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang paa. 47 At kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, itapon mo ito.
Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang mata, 48 kung saan walang tigil ang mga uod sa kanila at walang kamatayan ang apoy. 49 Buburuhin nga ng apoy ang lahat. 50 Mabuti ang asin ngunit kung tumabang ang asin, paano ninyo ito mapaaalat uli? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at mabuhay sa kapayapaan sa isa’t isa.”
No comments:
Post a Comment