29 At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” 30 At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.
31 At
sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng
Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng
mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos ng tatlong
araw. 32 At buong-tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya ni Pedro sa
isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. 33 Ngunit pagtalikod ni Jesus,
nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan niya si
Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula
sa tao.”
No comments:
Post a Comment