4 Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman makakakuha ng tinapay para pakainin sila sa ilang na ito?” 5 Tinanong sila ni Jesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.”
6 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. 7 Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Jesus at iniutos na ihain din ang mga ito.
8 Kumain
sila at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso – pitong bayong.
9 Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Jesus. 10 Agad
siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng
Dalmanuta.
No comments:
Post a Comment