4 Matapos siyang magsalita,
sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para
humuli.” 5 Ngunit sumagot si Simon: “Guro, buong magdamag kaming nagpagod
at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.”
6 At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda kaya halos
magkandasira ang kanilang mga lambat. 7 Kaya kinawayan nila ang kanilang
mga kasamahang nasa kabilang bangka para lumapit at tulungan sila. Dumating
nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang halos lumubog
ang mga iyon.
8 Nang makita ito ni Simon
Pedro, nagpatirapa siya sa harap ni Jesus at sinabi: “Lumayo ka sa akin,
Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako.” 9 Talaga ngang
nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha
nila. 10 Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na
mga kasama ni Simon.
Ngunit sinabi ni Jesus kay Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y mga tao ang huhulihin mo.” 11 Kayat nang madala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kanya.
No comments:
Post a Comment