6 Malayo pa si Jesus ay nakita na siya ng
lalaki. Patakbo siyang lumapit kay Jesus at lumuhod sa harapan niya. 7-8 Sinabi
ni Jesus sa masamang espiritu, “Ikaw na masamang espiritu, lumabas ka sa taong
iyan!” Sumigaw ang lalaki, “Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus na Anak ng
Kataas-taasang Dios? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Dios, huwag mo akong
pahirapan!” 9 Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan
mo?” Sagot niya, “Kawan, dahil marami kami.” 10 At
paulit-ulit na nagmakaawa ang masamang espiritu kay Jesus na huwag silang
palayasin sa lupaing iyon.
11 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng
mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. 12 Nagmakaawa
ang masasamang espiritu na kung maaari ay payagan silang pumasok sa mga
baboy. 13 Kaya pinayagan sila ni Jesus. Lumabas ang
masasamang espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang may
dalawang libong baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.
18 Nang sumasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya. 19 Pero hindi pumayag si Jesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.” 20 Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis,[b] ang ginawa sa kanya ni Jesus. At namangha ang lahat ng nakarinig tungkol sa nangyari.
No comments:
Post a Comment