14 Nagbalik
si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa
buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. 15 Kinaugalian niyang magturo sa
kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat.
• 16
Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa
Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng
Kasulatan, 17 at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias.
Sa paglaladlad
niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: 18 “Sumasaakin ang
Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita
sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa
mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, 19 at
ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”
20 Binilot ni
Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya
ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. 21 Sinimulan niyang magsalita sa
kanila: “Isinakatuparan ang Kasulatang ito ngayon habang nakikinig kayo.”
No comments:
Post a Comment