Wednesday, January 12, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 16, Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon: Juan 2:1-11


Mabuting Balita: Juan 2:1-11
1 Sa ikatlong araw, may kasalan sa Kana ng Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. 2 Kumbidado rin sa kasalan si Jesus at ang kanyang mga alagad. 3 Ngunit kinapos ang alak sa kasalan kaya wala na silang alak. Kaya sinabi ng ina ni Jesus sa kanya: “Wala silang alak.” 4 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ano sa akin o sa iyo, O Babae? Hindi pa su­ma­sapit ang oras ko.” 5 Sinabi naman ng kanyang ina sa mga katulong: “Gawin n’yo ang anumang sasabihin niya sa inyo.”

6 May anim na tapayang bato roon para sa sagradong paghuhugas ng mga Judio. Tigwawalumpu o tigsasandaang litro ang laman ng mga iyon. 7 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Punuin n’yo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuno nga nila hanggang labi ang mga iyon. 8 At sinabi niya: “Kumadlo kayo ngayon at dalhin sa punong-abala.” At dinala nga nila.

9 Tinikman ng punong-abala ang tubig na naging alak pero hindi niya alam kung saan ito galing, pero alam ng mga katulong ng kumadlo ng tubig. Kaya tinawag ng punong-abala ang nobyo 10 at sinabi sa kanya: “Ang ma­inam na alak muna ang inihahain ng lahat at saka lamang ang mas mahi­nang uri kapag la­sing na ang mga tao. Pero itinabi mo pala ang mainam na alak hanggang ngayon.”

11 Ito ang simula ng mga tanda ni Jesus. Ginawa niya ito sa Kana ng Galilea at ibinunyag ang kanyang luwalhati, at nanalig sa kanya ang kanyang mga alagad. 

No comments: