32 Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Jesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masasamang espiritu. 33 Nasa may pintuan nga ang buong bayan. 34 Maraming may iba’t ibang sakit ang pinagaling ni Jesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya.
35 Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. 36 Hinanap siya nina Pedro, 37 at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” 38 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.”
39 At
naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at
nagpapalayas ng mga demonyo.
No comments:
Post a Comment