Tuesday, December 28, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 29 Miyerkules Ikalimang Araw sa Pagdiriwang ng Pasko: Lucas 2:22-35


Mabuting Balita: Lucas 2:22-35
22 Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala ang sanggol na si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon – 23 tulad ng nasu­sulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. 24 Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.  

25 Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. 26 Ipinaalam naman sa kanya ng Espi­ritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya naki­kita ang Mesiyas ng Pangi­noon. 27 Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pag­tutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tu­parin ang kaugaliang naa­ayon sa Batas tungkol sa kanya.  

28 Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi: 29 “Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; 30 pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas 31 na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, 32 ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.”  

33 Nagtataka ang ama at ina ng bata sa mga sinasabi tungkol sa kanya. 34 Pinag­pala naman sila ni Simeon at sinabi kay Mariang ina ng bata: “Dahil sa kanya, ba­bagsak o babangon ang mga Israelita at magiging tanda siya sa harap nila at ka­nilang sasalungatin. 35 Kaya mahaha­yag ang lihim na pag-iisip ng mga tao. Ngu­nit paglalagusan naman ng isang pun­yal ang puso mo.”

No comments: