6 Habang
naroon sila, dumating ang sandali ng panganganak ni Maria. 7 At nagsilang siya
ng isang lalaki na kanyang panganay. Binalot ito ng lampin at inihiga sa
sabsaban – dahil walang lugar para sa kanila sa bahay.
• 8 Sa lupain ding iyo’y may mga pastol na nasa silungan na halinhinan sa pagbabantay sa kanilang kawan sa gabi. 9 Biglang dumating sa kanila ang isang anghel ng Panginoon at nagningning sa paligid nila ang luwalhati ng Panginoon; gayon na lamang ang takot nila. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel: “Huwag kayong matakot, ipinahahayag ko nga sa inyo ang magandang balita na magdudulot ng ma-laking kagalakan sa lahat ng bansa. 11 Ngayo’y isinilang sa inyo sa bayan ni David ang Tagapagligtas na si Kristong Panginoon. 12 At ito ang magiging palatandaan ninyo: ma-kikita ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.”
13
Biglang-bigla namang lumitaw kasama ng anghel ang isang makapal na hukbo ng
langit, na nagpupuri sa Diyos at sinasabi: 14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan at
sa lupa’y kapayapaan sa mga tao na kanyang mahal.”
No comments:
Post a Comment