Monday, December 6, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 7 Martes, San Ambrosio, Obispo at pantas ng Iglesia (Paggunita): Mateo 18:12-14


Mabuting Balita: Mateo 18:12-14
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 12 Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? 13 At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito.

No comments: