Tuesday, November 02, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 6, Sabado sa Ika-31 na Linggo ng Taon: Lucas 16:9-15


Mabuting Balita: 
Lucas 16:9-15
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 9 sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo ang di-matuwid na Perang-diyos para magkaroon ng mga kaibi­gan para sa pagkaubos nito’y tanggapin naman nila kayo sa walang hanggang mga taha­nan.  

10 Ang mapagkakatiwalaan sa mali­liit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaki, at ang di mapagka­katiwalaan sa maliliit ay di rin ma­pagkakatiwalaan sa malalaki. 11 Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa di-matuwid na pera, sino ang magtiti­wala sa inyo ng tunay na kayama­nan?  

12 Kung hindi ka­yo mapagkatiwalaan sa mga bagay na hindi talaga sa inyo, sino pa kaya ang magbi­bigay sa inyo ng talagang inyo? 13 Walang katulong na makapag­si­-silbi sa dalawang amo; siguradong kamu­muhian niya ang isa at mamahalin naman ang isa pa, o magiging ma­­tapat sa isa at mapababayaan ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa pera.”  

14 Naririnig ng mga Pariseo ang lahat ng ito. Sakim sila kaya pinagtatawanan nila siya. 15 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Gina­gawa ninyo ang lahat para mag­muk­hang mabuti sa paningin ng mga tao ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso. At kasuklam-suklam sa pa­ningin ng Diyos ang mataas sa mga tao. 

No comments: