Monday, September 6, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 7 Martes sa Ika-23 na Linggo ng Taon: Lucas 6:12-19


Mabuting Balita: Lucas 6:12-19
Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at mag­palipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. 13 Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: 14 si Simon na pinanga­lanan niyang Pedro, si An­dres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, 15 si Mateo, si To­mas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, 16 si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iska­riote na naging tagapagka­nulo. 

17 Pagkababa kasama nila, tumi­gil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napaka­rami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon 18 ang duma­ting para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamda­man. Guma­ling din ang mga pinahihirapan ng masa­samang espi­ritu. 19 Kayat sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya, na nagpapagaling sa lahat.

No comments: