6 Sa iba
namang Araw ng Pahinga, pumasok siya sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki
na hindi maigalaw ang kanang kamay. 7 Pinagmamasdan siya ng mga guro ng
Batas at mga Pariseo, at baka pagalingin ito ni Jesus sa Araw ng Pahinga at
nang maisakdal nila siya.
8 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka’t tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. 9 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Matanong ko nga kayo: ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?”
10 Tiningnan
niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong kamay.”
Ginawa niya ito at gumaling ang kanyang kamay. 11 Galit na galit naman
sila at magkakasamang nag-usap-usap kung ano ang magagawa nila kay Jesus.
No comments:
Post a Comment