33 Sinabi
ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Jesus: “Madalas mag-ayuno at may mga
panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga
Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyo.” 34 Kaya sinabi sa kanila
ni Jesus: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa
nila ang nobyo, di ba? 35 Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila
ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.”
36 Sinabi pa ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. 37 At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan.
Kung hindi’y
sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at
masisira pati mga sisidlan. 38 Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat
ilagay ang bagong alak. 39 Hindi naman humihingi ng bagong alak ang
umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang mabuti’.”
No comments:
Post a Comment