Monday, September 27, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Martes Setyembre 28 San Lorenzo Ruiz at mga Kasama, mga martir (Paggunita): Lucas 9:51-56


Mabuting Balita: Lucas 9:51-56
51 Nang papalapit na ang pana­hon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Jesus na pumunta sa Jeru­sa­lem. 52 Nag­padala siya ng mga sugo para mauna sa kanya at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano para ihan­da ang kanyang matutuluyan.  

53 Pero ayaw nila siyang tanggapin dahil pa­punta siya sa Jerusalem. 54 Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na sina Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tuma­wag kami ng apoy na babagsak mula sa langit para puksain sila?” 55 Lumingon si Jesus at pinag­wikaan sila, 56 at sa ibang bayan sila nag­punta.

No comments: