Sunday, September 26, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Setyembre 27 San Vicente de Paul, pari (Paggunita): Lucas 9:46-50


Mabuting Balita: Lucas 9:46-50
46 Nangyari na ikinabahala nila kung sino nga kaya sa kanila ang pinaka­dakila. 47 Alam ni Jesus ang pinagtatalunan nila sa kanilang isipan kaya kumuha siya ng isang bata at pinatayo sa tabi niya. 48 At sinabi niya sa kanila: “Ang tumatanggap sa batang ito sa ngalan ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tuma­tanggap sa nagsugo sa akin. At isa pa: ang ma­tagpuang pinakamaliit sa inyong lahat ang siyang dakila.” 

49 At nagsalita si Juan: “Guro, may na­kita kaming nagpapalayas ng mga de­monyo sa ngalan mo. Pero pinagba­walan namin siya dahil hindi siya sumu­sunod na kasama namin.” 50 Ngu­nit sina­bi ni Jesus sa kanya: “Huwag ninyo siyang pagba­walan dahil panig sa inyo ang hindi laban sa inyo.”

No comments: