Sunday, September 12, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Setyembre 13 San Juan Chrisostomo, Obispo at pantas ng Iglesya (Paggunita): Lucas 7:1-10


Mabuting Balita: Lucas 7:1-10
Matapos ituro ni Jesus ang mga ito sa mga tao, pumasok siya sa Capernaum. May isang kapitan na may katulong na naghihingalo at pinahahalagahan niya ito. Pagkarinig niya tungkol kay Jesus, nagpapunta siya sa kanya ng mga Matatanda ng mga Judio para pa­ki­usapang pumunta at pagalingin ang kanyang ka­tulong. Pagdating ng mga ito kay Jesus, taimtim nila siyang pinakiusapan: “Marapat lamang na pag­big­yan mo siya; mahal nga niya ang ating bayan at siya ang nag­patayo ng aming sinagoga.” 

Kaya kasama nilang pumunta si Jesus. Nang hindi na siya kalayuan sa bahay, nagpapunta naman sa kanya ng mga kaibigan ang kapitan para sa­bihin: “Ginoo, huwag ka nang mag-abala pa; hindi nga siguro ako karapat-dapat para tumuloy ka sa aking bahay. Kaya hindi ko man lang inakalang nararapat akong lumapit sa iyo. Mag-utos ka lang at ga­galing na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko pero may mga sundalo sa ilalim ko. At kung iutos ko sa isa, ‘Umalis ka,’ uma­alis siya; at sa iba naman, ‘Halika,’ at puma­parito siya. At pag sinabi kong ‘Gawin mo ito,’ sa aking katulong, gina­gawa nga niya ito.” 

Humanga si Jesus pagkarinig niya nito. Lumingon siya sa mga sumusunod sa kanya at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo, sa Israel ma’y hindi ko natagpuan ang ganitong pananalig!” 10 At nang magbalik sa bahay ang mga sinugo, natagpuan nilang magaling na ang katulong.

No comments: