40 Paglubog ng araw, dinala naman kay Jesus ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. 41 Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas.
• 42 Nang
mag-uumaga na, lumabas si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit
pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang
hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. 43 Pero sinabi niya sa kanila:
“Dapat ko ring ipahayag ang mabuting balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang
mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” 44 At nagpatuloy
siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.
No comments:
Post a Comment