15 Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” 16 At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” 17 Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.
18 At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”
20 At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya nga ang Mesiyas. • 21 Mula sa araw na iyon, ipinaalam ni Jesucristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapan siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.
22 Dinala
naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Huwag sana,
Panginoon! Hindi ito puwede.” 23 Ngunit hinarap ni Jesus si Pedro at
sinabi sa kanya: “Sa likod ko, Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa
Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”
No comments:
Post a Comment