Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:
"Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagkat
hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Sinugo niya
ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya.
At sa mga
bulag na sila'y makakikita;
Upang
bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil,
At ipahayag
ang pagliligtas ng Panginoon."
Binalumbon niya ang Kasulatan, at matapos na isauli sa tagapaglingkod, siya'y naupo.
Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: "Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo." Pinuri siya ng lahat, at namangha sila sa kanyang napakahusay na pananalita. "Hindi ba ito ang anak ni Jose?" tanong nila. Kaya't sinabi ni Jesus, "Walang pagsalang babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: 'Doktor, gamutin mo ang iyong sarili!' Sasabihin din ninyo sa akin, "Gawin mo naman sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.'
" At nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, "Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao't kalahati at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain.
Subalit hindi
sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa
Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng ketongin sa Israel noong kapanahunan
ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang
pinagaling." Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito.
Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na
kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa
kalagitnaan nila at umalis.
No comments:
Post a Comment