Monday, August 23, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 25 Miyerkules sa Ika-21 LInggo ng Taon: Mateo 23:27-32


Mabuting Balita: 
Mateo 23:27-32
27 Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapag­kun­wari! Para kayong mga pinaputing libi­ngan na maganda sa labas pero puno ng buto ng mga patay at ng iba pang karumihan ang loob. 28 Gayun­din naman, muk­ha kayong mga taong banal ngunit puno naman ng pagku­kunwari at kasamaan ang kalooban.  

29 Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga ma­pag­kunwari! Nagtatayo kayo ng mga monumento para sa mga propeta at pinapalamutian ang mga bantayog ng mga banal na tao. 30 Sinasabi ninyo: ‘Kung tayo ang nabuhay sa panahon ng ating mga ninu­no, hindi sana tayo sumang-ayon na patayin ang mga propeta.’ 31 Kaya kayo ang umaamin na mga anak kayo ng mga pumatay sa mga propeta. 32 At nga­yon, tapusin ninyo ang sinimulan ng in­yong mga ninuno!

No comments: