Sunday, August 22, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 23 Santa Rosa ng Lima, dalaga Pangalawang Patrona ng Pilipinas (Paggunita) : Mateo 23:13-22


Mabuting Balita: Mateo 23:13-22
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus 13 Kaya kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga ma­pagkunwari! Isinara ninyo ang kaha­rian ng Langit sa harap ng mga tao. Hindi kayo pumasok at hindi rin ninyo pinapasok ang mga makapa­pasok.  

14 Kawawa kayo, mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapag­kun­wari. 15 Nililibot ninyo ang dagat at lupa para maghanap ng isang bagong taga­paniwala at pagkapaniwala niya, gina­gawa ninyo siyang anak ng impiyerno, na mas masahol pa sa inyo. 

16 Kawawa kayong mga bulag na taga­akay! Sinasabi ninyong ‘Walang bisa kung sa Templo nanunumpa, pero may bisa kung sa ginto ng Templo.’ 17 Mga bulag at baliw! Alin ba ang mas mahalaga? Ang ginto sa Templo o ang Templong nagpa­banal sa gintong ito? 18 Ang sabi ninyo’y walang bisa kung  sa altar manunumpa pero may bisa kung sa handog na nasa altar. 

19 Mga bulag! Alin ba ang mas ma­halaga: ang handog o ang altar na nagpapabanal sa handog? 20 Ang manumpa sa ngalan ng altar ay dito at sa lahat ng nari­to nanunumpa. 21 Ang sinumang su­mum­pa sa Templo ay sumusumpa dito at sa Diyos na naninirahan sa Templo. 22 Ang sinu­mang manumpa sa ngalan ng Langit ay sa trono ng Diyos at sa nakaupo rito nanu­numpa.

No comments: