Thursday, August 19, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 20 Biyernes San Bernardo, abad at pantas ng Iglesia (Paggunita): Mateo 22:34-40


Mabuting Balita: Mateo 22:34-40
34 Narinig ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Sadduseo, at sumang-ayon sila sa kanya. 35 Kaya sinu­bukan siya ng isa sa kanila na isang guro ng Batas sa tanong na ito: 36 “Guro, ano ang pinakamahalagang utos ng Batas?” 

37 Sumagot si Jesus: “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa at nang buo mong pag-iisip. 38 Ito ang una at pina­kamahalagang utos. 39 Ngunit may ika­lawa pa na tulad nito: Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nabubuod ang buong Batas at Mga Propeta.”

No comments: