26 At nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at ba¬bayaran kong lahat ang utang ko.’ 27 Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang.28 Pagkaalis ng opisyal na ito, nasa¬lu¬bong ni¬ya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya. Si¬nung¬gaban niya ito sa leeg at halos sakalin habang sumisigaw ng ‘Bayaran mo ang utang mo!’ 29 Nagpa¬tirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nag¬sabi: ‘Big¬yan mo pa ako ng panahon, at baba-yaran kong lahat ang utang ko sa iyo.’ 30 Ngunit tumanggi siya at ipina¬kulong ito hanggang maka¬bayad ng utang.
31 Labis na nalungkot ang iba nilang kapwa-lingkod nang makita ang nang¬yari. Kaya pinuntahan nila ang kani¬lang panginoon at ibinalita ang buong pang¬yayari. 32 Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: ‘Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang maki¬usap ka sa akin. 33 Di ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ 34 Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapag¬pa¬hirap hang¬gang mabaya¬ran nito ang lahat ng utang.”
35 Idinagdag ni Jesus: “Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi pata-tawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.” 19 1 Nang tapos na si Jesus sa mga aral na ito, umalis siya sa Galilea at pu¬munta sa probinsya ng Judea sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan.
No comments:
Post a Comment