Friday, July 16, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Sabado Hulyo 17, Ika-15 Linggo ng Taon: Mateo 12:14-21


Mabuting Balita: Mateo 12:14-21
14 Pagkalabas ng mga Pariseo, nag-usap-usap sila kung paano nila siya masi­siraan. 15 Nalaman ito ni Jesus kaya luma­yo siya sa lugar na iyon. Mara­ming tao ang sumunod sa kanya. Pina­galing niya ang lahat ng maysakit 16 ngunit inutusan niya sila na huwag siyang ipamamalita.  

17 Kaya natupad ang sinabi ni Isaias, ang propeta: 18 “Narito ang utusan ko na aking pinili, ang mahal ko na siya kong kina­lulugdan. Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu at siya ang magpapahayag sa mga bansa ng aking mga pasya. 19 Hindi siya makikipagtalo o sisigaw, hindi mari­rinig sa mga liwasan ang kan­yang tinig. 20 Hindi niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na mitsa. Hindi siya titigil hang­gang magwagi ang kata­rungan. 21 Ang kanyang pangalan ang inaasa­han ng lahat ng bansa.”

No comments: