26 Walang tinatakpan na di nabubunyag at walang natatago na di nahahayag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipahayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong. 28 Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa. Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. 29 Nabibili ang maya nang dalawa isang pera, pero wala isa mang bumabagsak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. 30 At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. 31 Kaya huwag kayong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya.
32 Ang
sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng
aking Ama sa Langit. 33 At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao
ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.
No comments:
Post a Comment