1 Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan
sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga
ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman.
2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; 3 sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; 4 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.
5 Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan:
“Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano.
6 Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel.
7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian
ng Langit.
No comments:
Post a Comment