Saturday, July 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hulyo 18 Ika – 16 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 6:30-34


Mabuting Balita: Marcos 6:30-34
30 Pagbalik ng mga apostol kay Jesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. 31 Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapag­pa­hinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo’y marami ang paroo’t parito at hindi  man lamang sila makakain. 32 Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar.  

33 Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa kanila. 34 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nag­kakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang wa­lang pastol. At nagsimula siyang mag­turo sa kanila nang matagal.

No comments: