Naglibot naman si Jesus sa mga nayon sa
paligid sa kanyang pagtu¬turo. 7 At tinawag niya ang Labin¬dalawa at sinimulang
isugo sila nang dala-¬dalawa. Binigyan niya sila ng kapang¬yarihan sa mga
maruming espiritu. 8 At sinabihan niya silang huwag magdala ng anuman para sa
paglalakbay kundi tungkod la¬mang. Walang pagkain, wa¬lang pitaka o pera sa
sinturon. 9 Nakasandalyas at may isang damit lang.
10 At sinabi niya sa kanila: “Pagtuloy ninyo sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo mula roon. 11 Kung may lugar na hindi tatang¬gap o makikinig sa inyo, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal sa ka¬nila.”
12 At pag-alis nila, ipinangaral nila
ang pagbabalik-loob. 13 Maraming demonyo ang kanilang pinalayas at marami ring
maysakit ang pinagaling nila sa pagpapahid ng langis.
No comments:
Post a Comment