9 Hu¬wag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10 Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandal¬yas o tungkod, sapagkat may kara¬patan ang mang¬gagawa sa kanyang ikabubuhay. 11 Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis.
12 Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13 Kung kara¬pat-dapat ang sambahayang ito, sasa¬kanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal.
14 At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. 15 Sinasabi ko sa inyo, mas ma¬giging magaan pa sa araw ng pag¬hu¬¬hu¬kom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.
No comments:
Post a Comment