Sunday, July 25, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hulyo 26 Lunes San Joaquin at Santa Ana mga magulang ni Maria: Mateo 13:31-35


Mabuting Balita: Mateo 13:31-35
31 Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga: “Naikukumpara ang kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kan­yang bukid.   

32 Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki’y mas malaki ito sa mga gulay, at parang isang puno – duma­rating ang mga ibon ng langit at dumadapo sa mga sanga nito.” 33 At sinabi ni Jesus ang iba pang talin­haga: “Naikukumpara ang kaha­rian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang ba­bae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” 

• 34 Itinuro ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hin­di gumagamit ng mga talinhaga. 35 Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: “Magsa­salita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.”

No comments: