Saturday, June 05, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hunyo 6 Katawan at Dugo ni Kristo (Dakilang Kapistahan): Marcos 14:12-16, 22-26


Mabuting Balita: Marcos 14:12-16, 22-26
Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, araw ng pagpatay sa kordero para sa Paskuwa. Tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad, "Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng Hapunang Pampaskuwa?" Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad, "Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayo na isang lalaki na may dalang isang bangang tubig.  

Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang napasukan sabihin ninyo sa may-ari, 'Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ang kanyang mga alagad.' At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin." Nagtungo sa bayan ang mga alagad at natagpuan nga nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa kanila. At inihanda nia ang Hapunang Pampaskuwa.  

Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa mga alagad. "Kunin ninyo; ito ang aking katawan," wika niya. Hinawakan niya ang saro, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. Sinabi niya, "Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos para sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos." Umawit sila ng isang imno, at pagkatapos nagtungo sa Bundok ng mga Olibo.

No comments: