Sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad: 43 Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo
ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. 44 Ngunit sinasabi ko sa
inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo.
45 Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat
pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak niya ang
ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan.
46 Kung
mahal ninyo ang nagmamahal sa inyo, bakit kayo gagantimpalaan? Di ba’t
ginagawa rin ito ng mga kolektor ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid
ninyo lamang ang inyong binabati, ano ang naiiba rito? Di ba’t ginagawa rin
ito ng mga pagano?
48 Kaya
maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.
No comments:
Post a Comment