Noo'y araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na
manatili sa krus ang bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila ang Araw ng
Pamamahingang ito. Kaya't hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga
binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay.
Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Jesus.Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
Ang nakakita nito ang nagpapatotoo -- tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya -- upang kayo'y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan, "Walang mababali isa man sa kanyang mga buto." At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, "Pagmamasdan nila ang kanilang inulos."
No comments:
Post a Comment