Hindi makapamumunga ang sanga sa ganang sarili, malibang mamalagi ito sa puno ng ubas; gayundin naman kayo, malibang mamalagi kayo sa akin. 5 Ako siyang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang namamalagi sa akin at ako sa kanya, siya ang namumunga nang sagana pagkat hiwalay sa aki’y hindi kayo makagagawa ng anuman. 6 Kung hindi namamalagi sa akin ang sinuman, ihahagis siya sa labas gaya ng sangang natuyo na tini¬tipon at ginagatong sa apoy at nagli¬liyab.
7 Kung mamamalagi kayo sa akin at
mamamalagi sa inyo ang mga pananalita ko, hingin ninyo ang anumang loobin n’yo
at magkakagayon sa inyo. 8 Sa ganito parangalan ang aking Ama: kapag namunga
kayo nang sagana at naging mga alagad ko.
No comments:
Post a Comment