Monday, May 31, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 31, Lunes Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria (Kapistahan): Lucas 1:39-56


Mabuting Balita: Lucas 1:39-56
39 Nang mga araw ring iyo’y nag­mamadaling naglakbay si Maria pa­punta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. 40 Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Eli­zabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa si­na­pupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth 42 at mala­kas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pi­nagpala sa mga kababaihan. Pinag­pala rin ang bunga ng iyong sina­pu­punan! 43 Sino nga ba naman ako’t na­parito sa akin ang ina ng aking Pa­ngi­noon? 

44 Nang umabot sa aking pan­dinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sina­pu­punan. 45 Pinagpapala ang naniniwa­lang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Pa­nginoon.” 46 At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon 47 at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas 48 dahil isinaalang-alang niya ang abang utu­san niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. 49 Dakila nga ang ginawa sa akin ng Ma­kapangya­rihan, banal ang kanyang Pangalan. 

50 Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. 51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may ma­pagma­taas na balak. 52 Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapang­yarihan, itinampok naman ang mga bale-wala. 53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga na­gugutom at itinaboy namang walang-wala ang maya­yaman. 

54 Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa 55ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan mag­paka­ilanman.” 56 Mga tatlong buwang nanatili si Ma­riang ka­sa­ma ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.

No comments: