20 Paglingon ni Pedro, nakita niyang
sumusunod ang alagad na mahal ni Jesus, na siyang humilig sa tabi niya noong
hapunan at nagsabing: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?”
21 Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: “Panginoon, ano
naman sa kanya?” 22 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Kung loobin kong mamalagi
siya hanggang ako’y pumarito, ano sa ’yo? Ikaw, sumunod ka sa akin!”
23 Dahil dito’y kumalat ang salitang ito sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinasabi sa kanya ni Jesus na hindi siya mamamatay kundi “Kung loobin kong mamalagi siya hanggang ako’y pumarito.”
24 Ito ang alagad na siyang nagpapatunay
tungkol sa mga bagay na ito at ang sumulat sa mga ito. At alam namin na totoo
ang kanyang patunay. 25Marami pa ring ibang ginawa si Jesus, na kung isa-isang
masusulat ang mga iyon, sa tantiya ko’y hindi magkakasya sa mundo ang isusulat
na mga aklat.
No comments:
Post a Comment