17 Sinabi sa kanyang makaitlo: “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot na si Pedro dahil makaitlo siyang sinabihan: “Iniibig mo ba ako?” kaya sinabi niya: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” Sinabi nito sa kanya: “Pakanin mo ang aking mga tupa.
18 Talagang-talagang sinasabi ko sa
iyo, nang bata-bata ka pa, ikaw mismo ang nagbibigkis sa iyong sarili at
palakad-lakad ka saan mo man naisin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang
mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo sa hindi mo nais.” 19 Sinabi
ito ni Jesus sa pagbibigay-tanda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni
Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”
No comments:
Post a Comment