15 Sinabi ni Jesus sa mga alagad:
“Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong
sangkinapal. 16 Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan
naman ang di maniniwala. 17 At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala:
magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba
pang mga wika, 18 hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung
iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit
at gagaling ang mga iyon.”
19 Matapos silang kausapin ng Panginoong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. 20 At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.
No comments:
Post a Comment