Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad: 16 Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin, at
sandali pa at makikita ninyo ako.” 17 At sinabi ng kanyang mga alagad sa
isa’t isa: “Ano itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako
mapapansin at sandali pa at makikita ninyo ako.’ At ‘Papunta ako sa Ama’?”
18 At sinabi nila: “Ano ba itong sinasabi niyang ‘sandali’? Hindi natin
maintindihan ang sinasabi niya.”
19 Naintindihan ni Jesus na gusto nila siyang tanungin kaya sinabi niya sa kanila: “Nagtatanungan kayo tungkol dito dahil sinabi kong ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako.’ 20 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, iiyak kayo at tataghoy, at magagalak naman ang mundo. Maninimdim kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong paninimdim.
No comments:
Post a Comment