41 Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” 42 At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). 43 Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. 44 Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.”
45 At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. 46 Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. 47 Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan – sa Jerusalem kayo magsisimula. 48 Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.
No comments:
Post a Comment