Kayat inaagaw ng asong-gubat ang mga ito at pinangangalat. 13 Sapagkat upahan siya at wala siyang pakialam sa mga tupa. 14 Ako siyang mabuting pastol. Kilala ko ang mga akin at kilala ako ng mga akin, 15 kung paanong kilala ako ng Ama at kilala ko ang Ama. At itinayo ko ang aking buhay para sa mga tupa.”
16 May iba akong mga tupa na di mula sa kulungang ito. Maging sila ay kailangan kong akayin palabas, at makikinig sila sa tinig ko at magkakaroon ng iisang kawan, iisang pastol. 17 Kaya mahal ako ng Ama dahil itinataya ko ang aking buhay, at saka muli ko itong kukunin.
18 Walang nag-aalis nito sa akin, kundi ako ang kusang nagtataya nito. May kapangyarihan akong itayo ito, at may kapangyarihan akong kunin itong muli. Ito ang utos na tinanggap ko mula sa aking Ama.”
No comments:
Post a Comment