52 Nagtalu-talo ang mga Judio at
nagsalita: “Paano tayo mabibigyan ng taong ito ng laman para kainin?”
53 Sinabi naman ni Jesus sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa
inyo, kung hindi n’yo kakanin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang
dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. 54 May buhay magpakailanman ang
ngumunguya ng aking laman at umiinom ng aking dugo, at itatayo ko siya sa
huling araw.
55 Sapagkat totoong pagkain ang aking laman at totoong inumin ang aking dugo. 56 Ang ngumunguya ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay namamalagi sa akin at ako naman sa kanya. 57 Sinugo nga ako ng Amang buhay at buhay ako dahil sa Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang ngumunguya sa akin.
58 Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi gaya sa inyong mga ninuno na kumain at nangamatay pa rin. Mabubuhay naman magpakailanman ang ngumunguya ng tinapay na ito.” 59 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum.
No comments:
Post a Comment