Pope Francis (1936-2025)

Eternal rest grant unto Pope Francis ( Jorge Mario Bergoglio) O Lord, and let perpetual light shine upon him. May his soul, and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.

Saturday, March 20, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 22 Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma: Juan 8:1-11

 


Mabuting Balita: Juan 8:1-11

1 Pumunta naman si Jesus sa Bundok ng mga Olibo. 2 Maaga siyang muli sa Templo, at naglapitan sa kanya ang lahat ng tao, at pagkaupo niya’y, na-ngaral siya sa kanila. 3 Dinala naman ng mga guro ng Batas at ng mga Pariseo ang isang babaeng huling-huli sa pakikiapid. 

Pinatayo nila siya sa gitna, 4 at sinabi nila kay Jesus: "Guro, huling-huli sa akto ang babaeng ito na nakikiapid. 5 Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang ganitong mga babae; ano naman ang sabi mo?” 6 Sinabi nila ito bilang pagsubok sa kanya upang may maiparatang sila sa kanya.  

Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. 7 Nang magpatuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumindig siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala sa inyo ang unang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa.  

9 Ang mga nakarinig nama’y isa-isang nag-alisan mula sa matatanda, at naiwan siyang mag-isa pati ang babae na nasa gitna. 10 Tumindig si Jesus, at sinabi sa kanya, “Babae, nasaan sila? Wala bang humatol sa iyo?” 11 At sinabi niya: “Wala, Panginoon.” Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita hahatulan. Humayo ka at mula ngayo’y, huwag nang magkasala pa.”  

No comments: