LET US PRAY FOR THE HEALING OF POPE FRANCIS.

Wednesday, March 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 19 Biyernes, San Jose, Kabiyak ng Mahal na Birheng Maria (Dakilang Kapistahan): Mateo 1:16, 18-21, 24a


Mabuting Balita: Mateo 1:16, 18-21, 24a
16 Si Jacob ang ama ni Jose – ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo. 

18 Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinag­kasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. 19 Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. 

20 Habang iniisip-isip niya ito, napa­kita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tang­ga­pin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espi­ritu Santo kaya siya naglihi, 21 at ma­nga­nganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga­ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang samba­yanan mula sa kanilang mga kasa­lanan.”  

24 Kaya pagka¬gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinang¬gap niya ang kanyang asawa.

No comments: