53 Pagkatawid ni Jesus at ng kanyang
mga alagad, dumating sila sa pampang ng Genesaret at doon
nila isinadsad ang
bangka. 54 Paglunsad nila ng bangka, nakilala si Jesus ng mga tagaroon
55 at patakbo nilang ipinamalita ito sa lupaing iyon.
Kaya dinala nila ang mga maysakit na nasa
higaan kung saan nila mabalitaang naroon siya. 56 At saanman siya lumakad,
sa mga nayon man o sa bayan o sa bukid, inilalagay nila sa mga liwasan ang mga
maysakit at nakikiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng
kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.
No comments:
Post a Comment