Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad:
43 Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang
iyong kaaway. 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway,
at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo. 45 Sa ganito kayo magiging mga anak
ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama
at mabuti, at pinapapatak niya ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan.
46 Kung mahal ninyo ang nagmamahal sa inyo, bakit kayo gagantimpalaan? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga kolektor ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid ninyo lamang ang inyong binabati, ano ang naiiba rito? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano?
48 Kaya maging ganap kayo gaya ng
pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.
No comments:
Post a Comment