Thursday, February 25, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 26 Biyernes sa Unang Linggo ng Kuwaresma: Mateo 5:20-26


Mabuting Balita: Mateo 5:20-26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hin­ding-hindi kayo makapapasok sa Kaha­rian ng Langit.  

21 Narinig na ninyo na sinabi sa in­yong mga ninuno: Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay lilitisin. 22 Sinasabi ko naman sa inyo: Ang sinu­mang magalit sa kanyang kapa­tid ay lilitisin. Ang sinumang manuya sa kan­yang kapatid ay lilitisin sa Sanggunian. At ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid ay nara­rapat lamang itapon sa apoy ng impiyerno. 

23 Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, 24 iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para maki­pagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos. 

25 Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulisya na magkukulong sa iyo. 26 Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hang­ga’t di mo nababaya­ran ang kahuli-hulihang sentimo.

No comments: